March 23, 2009 blotted aT 09:33 PM
matagal na rin akong nagtitiis. ilang buwan na rin akong nagtitimpi ng galit at pagkainis. naaasar ako sa management teacher namin. pagkababa-baba ng gradong binigay niya sa akin. matapos ang lahat lahat kong ginawa para sa hayup na subject na iyon, 88 lang ang naibigay niya? kung tutuusin may utang pa siya sa akin para sa midterm grade ko. akalain mo ba naman na hindi niya ako binigyan ng puntos para sa essay ko. itlog. zero. kahit na may tama naman ang sinulat ko. inis na inis ako sa kanya. kung hindi lang talaga kasalanan pitikin ang kanyang noo, matagal ko na sanang ginawa iyon. napakaplastik nya. pag ako naging ganap nang accountant, hinding hindi ako magpapasalamat sa kanya. wala siyang mabuting nagawa sa akin dahil wala na siyang ibang ginawa kundi magchismis at magpasipsip.
